
Matagumpay na inilunsad ng National Irrigation Administration (NIA) Antique Irrigation Management Office (AIMO) ang "Bagong Bayaning Magsasaka (BBM) Rice" noong, Nobyembre 5, 2024. Sa unang araw ng paglulunsad, naibenta kaagad ang 990 sako ng de-kalidad na bigas partikular para sa mga PWDs, senior citizens, solo parents at mga 4Ps beneficiaries. Layunin ng proyektong ito na suportahan ang mga lokal na magsasaka at matulungan ang mga sektor ng lipunan na higit na nangangailangan.

Lubos ang pasasalamat ni Engr. Bernard N. Castellano, Division Manager A ng NIA Antique Irrigation Management Office, sa lahat ng mga bisitang mula sa iba’t ibang tanggapan na nagbigay suporta at sa mga mamimiling nakiisa sa paglulunsad. "Nais din naming pasalamatan ang ating mga magsasakang nagtrabaho ng husto upang makapag-produce ng ganitong kalidad ng bigas. Tunay na sila ang mga Bagong Bayani," ani Engr. Castellano sa kanyang talumpati.
Inaasahan ng pamunuan ng NIA-Antique na mas marami pang Antiqueño ang makikinabang sa kalidad na bigas na ito at sa iba pang produktong hatid ng mga bagong bayani ng ating bayan—ang mga masisipag na magsasaka.
- Log in to post comments